Maligayang araw ng Miyerkules mga ka-tropa! May sipon na ba ang lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas.
Dahil sa hindi pa naman natatapos ang unang linggo ng taon napagpasyihan ng aming pangkat na magkaroon ng munting patimpalak sa ating wika at ito ay pinamagatang "Bagong Panimula: Mga Bagay na iyong balak simulan ngayong taon".
Isa itong magandang pagsasanay para sa atin upang suriin ang ating mga plano sa mga darating na araw. Ito man ay patungkol sa Hive, sa buhay, pinansyal, espirtwal at higit sa lahat ay kalusugan.
Sabi nga ng aming kaibigan the blockchain remembers kaya kung ito man ay ating isulat sa Hive ay paniguradong mananatili sa blockchain na ito.
Paano Sumali?
- Ang iyong akda ay dapat magkaroon ng 300 o higit pang mga salita.
- Gamitin ang tags na #pilipinas o #tagalogtrail, ano man sa nabanggit ay maari dahil ito ang aming gagamitin upang mahanap at masuri ang iyong akda
- Kung ang larawan ay magmumula sa internet marapat lamang na banggitin kung ano ang link na pinagkunan.
Mga Premyo
- Ang mapipili ay magkakaroon ng HBD bilang pabuya sa pagsali
- 3 HBD - para sa kampeon
- 2 HBD - para sa ikalawang parangal
- 1 HBD - para sa ikatlong parangal
Ang bawat lalahok sa patimpalak ay awtomatikong mayroong 50 ecency points mula sa amin at para mas mabilis naming makita ang inyong tala maaari ninyong i-komento ang inyong isinali na tala sa patimpalak. Maliban diyan ay maari mapasama ang inyong akda sa arawang
curation ni
@hiveph at makatanggap ng upvote mula sa kanila.
Hanggang Lunes lamang po namin tatanggapin ang inyong akda upang mabigyan ng panahon ang mga tagasuri na piliin ang mananalong sulatin. Ang anunsyo ay magaganap sa Martes ng gabi.
Ayun lamang po! Inaasahan namin ang inyong suporta at pagtangkilik sa aming munting programa.
Kung nais po ninyong mag isponsor sa mga patimapalak mangyari lang po na kami ay inyong iwan ng komento sa akda na ito.
Muli kami sa
@tagalogtrail ay nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa aming pagbabalik operasyon.
Mabuhay ang wikang Tagalog sa Hive!