Isang malubhang sakit
Na kinatatakutan ng lahat
Walang gamot, walang makakalunas
Matagal ng laganap at ngayon ay mas kumalat
Sakit sa ulo sa lahat ng kapitbahay
Mga kabataang sabog, sa kanto nakatambay
Animo’y mga gwardyang, buong araw na nakabantay
Habang may sinisinghot sabayan pa ng tagay
Di maalis-alis ang matatalim na tingin
Sa iyo, habang dumaraan at bubulong ng palihim
Kay hina ng boses na parang nananalangin
Yun pala’y ikaw ang paksa at harap-harapan kang libakin
Nakalatay na sa ugat ang pagiging mensahero
Tagahatid ng balita mula doon papunta rito
Ang bilis magpakalat sa kung anong marinig
Daragdagan at babawasan muna bago sa iba ipabatid
Kung makapagsalita akala mo kung sino
Pupurihin ka’t lahat na para kang santo
Ngunit wag ka lamang tatalikod kaibigan
Pinuri ka sa harapan sasaksakin ka naman sa likuran
Wag kayong padadala sa matatamis niyang salita
Sadyang ganyan lang talaga sa pangungompanya
Dahil pag sila ay naupo’t nasa pwesto na
Sino nga ba kayo? Naku! Nagkasakit biglang nagka amnesya
Ganyan ang kanser napakasama ng naidulot
Sa isang lipunan iyan ang salot
Di mawala-wala pagkat sa ugat nakakapit
Ang syang nagpapahirap at nagpapasakit
DONT FORGET:
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!
If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy
.gif)
.jpg)