FRUSTRATIONS ...

By @kerirose938/16/2022frustrations

FB_IMG_16606460380992185.jpg

Someone commented me on my last post regarding on my anxieties and the super overwhelming feelings.
Yes, i have so many frustrations:

•Frustrated ako dahil sa pera. Opo. Lubog na ako sa mga utang. Gustuhin ko man magtrabaho, wala rin ako katuwang sa pag-aalaga sa mga bata at antabayanan sa mga araw-araw nilang gagawin lalo nang malapit na ang pasukan. Bumitiw ako sa trabaho dahil kulang na kulang na ako oras sa mga bata.
• Frustrated ako sa mga anak ko. Gusto ko bigyan ng magandang bukas ang mga anak ko, pero di ko alam kung magagampanan ko ng mabuti, at pagiging isang mabuting ina sa kanila.
•Frustrated ako sa pagiging isang asawa. Kung magagampanan ko paba yung tungkulin ko sa bahay.
•Frustrated ako bilang isang anak. Gusto ko patunayan sa mga magulang na kaya ko. Dahil minsan na ako naging failure sa kanila.
•Frustrated ako bilang isang ako. Parang bumababa na din ang tingin ko sa sarili ko. Di ko maiwasan magkumpara sa ibang tao na mga successful sa buhay, di katulad ko na lugmok parin.

Minsan na din ako nag-iisip ng masasama, naging suicidal na. Pero pinipilit ko mag-divert sa isip at nagdadasal sa Panginoon na sana patawarin ako kung umaabot ako sa ganito. Ayoko mag-give up. Di ko kayang makita ako ng mga anak ako na mahina ako. Gusto ko maging malakas para sa kanila.

Gusto ko man humingi ng tulong pero di ko alam kanino, saan, kailan at paano. 🖤

2

comments