
" BARYA "
Likha ni: @clicker
Aking kinagisnan nuong ako'y bata pa;
Mga katagang buhat sa aking Ama at Ina;
Levy, ika'y maging masinop;
At ugaliing mag-ipon, para bukas may madukot ka.
Pagdaan ng panahon, aking nakalimutan at nawaglit sa aking isipan;
Ang bilin ni Ama na sa akin ay iniwan;
Sa kadahilanan na napakasarap mamuhay sa karangyaan;
Kanyang mga payo ay aking iniwan.
Barya, kung sila ay ituring;
Hindi alintana na ito pala ay mahalaga mandin;
Hindi ko pinahalagahan ang payo ni Ina;
Luho sa katawan ay niyakap ko na.
Pilit itinuwid lahat para kay Ama't Ina at sa aking bagong pamilya;
Kayod sa trabaho tuwing umaga para sa kanila;
Pagdating ng dapit hapon, aking napuna;
Wala na sa aking natira kundi ang mga BARYA.

Ito po ay aking munting likha para sa patimpalak na binuo ng @steemph-uae. Isa na rin po itong maituturing na maliit na handog at suporta mula sa inyong abang lingkod. Nawa ay maibigan ninyo at kapulutan ng aral.
Kung sa wari nyo ito ay nagbigay ng halaga sa inyong panahon.
Mag-iwan po kayo ng mensahe sa baba.
MARAMING SALAMAT PO.

