Mahirap talagang maghanap ng pagkakakitaan ngayon lalo na kung wala kang puhunan at ayaw mo ng isang malupit na amo. Yan ang nararanasan ng marami sa ngayon. Bukod pa ang mga yan sa kagustuhang laging kasama ang mga minamahal sa buhay.
Ang ilan ay bumabaling sa internet at nagbabakasakaling dito ay matagpuan nila ang hanapbuhay na aangkop sa kanilang kagustuhan at kalagayan. Eto rin ang malamang na dahilan kung bakit mo binabasa ang post na ito. Eto ang ikalawang post ko dito at hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Pero isa lang tiyak ko. Gusto kong subukin ang full potential ko at ng programang ito.
Wala pa akong personal na kakilala na nakapag cashout na dito. May ilan ankong nakitang testimonial sa Youtube. I-update kita if meron na. Kung ikaw naman mismo gusto mong malaman check mo ang ibang mga blogs dito.
Hanggang sa susunod. Magsama-sama tayo dito sa Steemit. Magtulungan, magbigayan ng tips para mas magaan ang trabaho natin at mas masaya. Please follow me. Let's reach the top of the mountain!