Meron akong naging manliligaw na slapsoil na na-meet ko sa YM. Medyo coño siya so akala namin ng friend ko makaka-budol kami ng dinner.
Kumain kami sa labas the following weekend with my friend, KKB so ok lang sa amin kasi nga may kasama akong plus 1. Ang di kinaya ng powers ko, eh yung hahatid daw niya kami.
Alam niyo naman ang pangarap nating mga maralita, makapag-selfie sa tsikot. Paglabas namin ng resto sa Eastwood nagtanong yung friend kong mahadera,
"Where's your wheels?" kasi tuluy-tuloy lakad niya.
"Magta-taxi tayo, my house is along the way to yours if that's alright," sagot ni guy.
Shutâ, pang-jeep lang budget namin ng friend ko pero gora na, hatid daw kami, eh. Gentleman naman pala, kahit paano may kilig na rin mga 5%.
Little did we know...
MAUUNA PALA SIYANG BABABA.
He just shut the door without paying. Nagulat kami kasi bigla siyang tumakbo at nawala sa dilim.
Buti na lang may nakatupi akong 500 Petot sa garter ng pânté ko kung hindi baka nawarla kami ni manong driver.
Kung andito man siya ay isa lang masasabi ko. Depúnggal ka. 🙄
I had this post in an fb group and was shared and copied to the point na people says they read as if it's not mine 🤣