Maligayang araw ng Lunes mga ka-tropa!
Ito na ang pinaka hihintay ng iba nating ka tropa na hirap na hirap sa Inglishan ang
@tagalogtrail.Medyo napasarap kami sa pagpapahinga sa account na ito dahil sa pagiging abala sa buhay-buhay.
Si
@toto-ph ay mayroon nang anak na kailangan alagaan at kapag napatagal siya sa pagbabasa at panunuod ng mga akda sa Hive ay baka mapalo nang kaniyang maybahay.
Si pinsang
@junjun-ph naman ay lumayas sa kanilang bahay at hindi na muna umuwi, mga ilang taon narin siyang
missing in action at hanggang ngayon ay hindi parin mahanap. May nakapagsabi na siya ay namundok na at pinaghahanap na ng mga awtoridad.
At ang mahinhin na si
@lingling-ph naman ay.... huwag na nating pag-usapan pa.
Sa ngayon ako po muna ang tao sa account na ito. Maliban nalang po kung sakali mang makita si
@junjun-ph
Ano nga ba ang kwalipikasyon upang mapili ng @tagalogtrail.
Ang curation post po sa ngayon ay hindi pa namin sigurado dahil sa bilang ng mga likha na nakasulat sa Tagalog. Ngunit, subalit, datapwat lahat ng mga gumamit ng tags na #tagalogtrail at #pilipinas ay makukuha ng bot na ginawa ng aming tiyuhin na si
@jazzhero. Siyempre po, ang tags ay isa lamang sa paraan para makita namin ang inyong likha. Kung ito po ay nakasulat sa lengwaheng Tagalog ito po ay amin paring masusuri at mabibigyan ng upvote at sa ngayon may token na PIZZA narin kaming panuhol.( Kahit hanggang sa ngayon ang potato chips ay hindi ko parin ipapamahagi.)
Kung kayo po ay may mga katanungan maari nyo po kayong magkomento sa akda na ito at sa iba nating mga katropa na na miss kami. Tara na balik na ulit tayo!