Ilaw (Malayang Taludturan)

By @chadrona•11/1/2019•esteem
myles75twh.jpg

"Ilaw"


*Sa kanyang pag-iisa siya'y nagbalik-tanaw... Siya'y napag-sip ng malalim; naghahanap ng linaw -- bakit ang kanyang mundo'y biglang nagunaw? Hindi niya mapagtanto kung saan siya nagkamali, ang kanyang isipan'y di-matahimik; di-mapakali... Sa masakit na kapalaran, siya ba'y nakatali? Paano kaya magkakaliwanag ang mundong malalim na ang pagkakabalot sa kalungkutan at dilim? Mawawala pa kaya ang lungkot at kulimlim? Ang araw ay sumisikat subalit siya'y balot ng yelo, walang katahimikan sa isang isapang naglaho sa gulo. Ang kanyang luha ay walang tigil ang pagtulo; sa kadiliman ba'y tuluyan na siyang mawawaglit? Ang kasiyahan ba'y maikli lang at saglit; mawawala pa kaya ang mga nakatagong galit? Sa kanyang pa-iisa siya'y nagbalik tanaw... Ang kanyang mundong nawalan na ng ilaw may pag-asa pa kayang magkaroon ng linaw?*

—

decorative-2773445_1280.png
*Image Taken From Pixabay [[1]]( https://pixabay.com/photos/light-bulb-lightbulb-bulb-1081844/ )*
decorative-2773446_1280.png

footer chadrona.jpg


Feel free to #follow #upvote #resteem #comment

17

comments